Eto na naman ako. Hindi na naman ako makahinga. Nanghihina at nahihilo. On and off naman yong scoliosis pain ko pero lately napapadalas ang sakit at matindi na siya ngayon. Nahihirapan na naman ako. Hay, ganito na nga siguro ang tumatanda. Pero at least I am surviving kahit may cancer ako. Medyo depress na naman ako pero kinakaya kong iayos ang pag-iisip ko. Sana huwag itong magtagal.
Lately nga lang e parang wala akong maisip na inspirasyon sa araw-araw na buhay ko. I mean, I have a job. I go to work, but that's it. Ni walang excitement or eagerness na pumasok sa work. Pumapasok lang ako kasi kelangan. Matagal na din akong may nararamdaman pero pinipilit kung pumasok kasi kaya ko pa naman at saka ano naman ang gagawin ko sa bahay. Lalo lang akong made-depress. Pero pag ganitong may pain e ibang usapan na. Pinauwi ako ng doktor kagabi kasi nga di ko na kaya ang pain at dizziness. But personally, I think ang isang cause nang lahat ng ito ay depression and boredom, and being alone. Doing the things you do everyday all over again alone. I really wanted a change in my career. Pero hindi ko alam kung saan ako magsisimula.
Well, I think first thing first. Magpagaling muna ako, Then, plan A and execute.
No comments:
Post a Comment